Search

User Menu

Tags

Recent Comments

Categories

Links


« Philippine Government Funds Scandals | Main | Pinoy Hobbies in Taiwan »

Telenovela

By Impakto

“Ang buhay nga naman ay puno ng DRAMA” Pag pinanganak kang mayaman ang angkan ay puputaktihin ng trahedya. Kung hindi labas masok sa kulungan eh madalas eh mamatayan ng mahal sa buhay (take note sa loob lang ito ng isang linggo). Paminsan minsan makikidnap at tutubusin ng meron matinding bakbakan kasi late ang mga parak. Pag pinanganak ka ng dukha eh siguradong ampon ka lang at me kapatid ka sa labas ng matindi ang galit sayo. Itatakwil mo ang magulang mo at sasabihing “katulong namin” sa harapan ng mga kaibigan para di mapahiya. Pero papatawarin ka pa din ng magulang mo dahil mahal ka nila. Pero alam naman natin sa huli ay yayaman ka at papatawarin mo ang mga nagkasala sayo. Pero minsan dahil sa sukdulan na kasamaan nila ay gagamitin ang yaman para maghiganti. Kapag umibig ka naman ay hindi maari  ang inyong pagiibigan dahil mayaman sya at mahirap ka lang. Pero walang pipigil sa pagiibigan ninyong wagas kasi hindi malahaga ang pera sa iyo. Dumarating din ang isang tao na siguradong hahadlang sa pagiibigan nyo dahil me masama syang balak at pera lang ang habol nya sa mahal mo. Kahit galing ka sa dagat at me buntot ka ng isda eh ok lang at walang pag aalinlangan na ibebenta ka sa palengke dahil mas mahalaga ang pag ibig kesa kaliskis. Akala mo nababaliw ka na dahil nagsasalita na ang mga hayop sa paligid mo. Nangangako ka na iaahon mo sa kahirapan ang iyong mga pamilya pero pilit na tatapakan ng mga matapobre ang iyong dangal at ilulugmok ka sa putikan. Pero nasa iyo pa din ang alas dahil babangon ka at dudurugin sila. Kahit naka prosthetics ang iyong mukha eh mamahalin ka pa din ni Piolo Pascual dahil alam naman natin na me magic o doktor na mag aayos ng mukha mo at gaganda ka.

Mapapansin mo na nauubos na pala ang oras sa kakapanood ng pareparehong palabas, istorya, artista at commercial. Maiisip mo na me buhay pa pala sa labas na mas makatotohanan at mas masaklap pa sa napapanood mo. Mas masarap nga naman mangarap na lang at umasa na balang araw eh giginhawa din ang buhay katulad ng napapanood mo sa tv.

Sarap ng buhay! Parang TELENOVELA! (Umaga, tanghali, gabi!) San ka pa!

Topics: Random Thoughts, Uncategorized |

One Response to “Telenovela”

  1. Coconut Says:
    November 18th, 2008 at 11:17 am

    hi there!!

Comments