Search

User Menu

Tags

Recent Comments

Categories

Links


« mY Globe DSL Experience | Main | Telenovela »

Philippine Government Funds Scandals

By pinoykritik

Jocelyn “Joc-Joc” Bolante and retired police general Eliseo de la Paz ito ang mga pangalan na matunog na matunog ngayon sa Philippine Media at Pilipino. Sila ang mga taong nasasangkot sa scandal hinggil sa Government Funds. Si Ginoong Jocjoc Bolante sa “Fertilizer Funds amounting 728 Million Php”. Sa fertilizer nga ba talaga ito ginamit ?? Sinabi na ni Ginoong Bolante na hindi kasangkot si Pangulong Arroyo doon sa scandal sa Senate hearing. Paano kaya ang isang under secretary ay makakapaglabas ng ganoong kalaking halaga without approval sa mas higher level, nagtatanong lang.  Si Gen Eliseo de la Paz naman ay sinabing may personal lapses siya ng di niya na declare ang ganoong kalaking halaga at gagamitin ito sana na pambili ng isang mamahaling kagamitan. Bakit kaya nakalusot sa custom itong ganitong kalaking halaga without the General declaring or properly documenting their intention dun sa pera? Baka siguro ayaw lang talagang ma document, tanong lang ulit… :)

Itong mga scandals na ito ay malamang lamang matabunan at maging kuwento na lang balang araw at mabaon sa limot na parang fertilizer!

Sana naman magkaroon ng closure at hindi publicity lang ang ginagawa ng ating Senado. At sana huwag yung closure na close lang, sana managot ang dapat managot sa mga pagkakamali na nangyari at maparusahan ayon sa ating Saligang Batas ng Pilipinas. Pero syempre asa pa din! Isang crisis lang ang katapat nyan matabunan na yan!.

Hanggang sa muling pagkikita dito sa pinoykritik website.

Topics: Issue, pinoykritik |

Comments