Search

User Menu

Tags

Recent Comments

Categories

Links


« Funny Pinoy names | Main | The Name Says It All - Samsung “OMNIA” i900 »

Huwag suportahan ang Japan Foundation.

By boykritiko

Nakaraan linggo nagkaroon ng special event ang Japan Foundation at eto po yung JAZZ FESTIVAL with Unit Asia. Isang grupo na banda nang galing sa Malaysia, Thailand, and Japan. Ito ay live performance nung nakaraan Martes ng ika-28 ng Oktubre 2008. Kasama dito ay ang Reyna ng Bossanova at yun ay walang iba kundi si Sitti. Ang event ay libre at ito ay taos pusong tinulak na magandang event.

Nang malapit na magsimula yung concert nag-announce na bawal kumuha ng litrato. Oo nasa rules nila yun na bawal pero sana umpisa pa lang na promote nila yung event dun na nila sinabi na bawala talaga.

Kahit si Sitti mismo pinag-bawalan  mag post ng mga sarili niya litrato. Yung isang kasama ng mga bloggers wala siyang litrato ng nag-perform na yung banda. Ang litrato nakuha niya ay litrato ng stage na walang tao dun. Pinadalhan siya ng email kasama pang dalawang blogger na pina-patanggal yung larawan ng stage kasi bawal daw.

Ang labo talaga ng Japan Foundation kahit litrato lang ng stage ng mga instrumento pina tanggal. Parang nang bully sila na kahit sino pwede sampahan ng demanda dahil lang sa ganun.

Sobrang kitid ng utak ng management at walang eksplenasyon kung bakit bawal. Dapat talaga sa simula pa lang i-announce na nila na magkakaroon sila ng event bawal talaga magdala ng camera. Sa ngayon kumalat na sa iba’t ibang networks ng Blogging Community ang kakulangnan ng Japan Foundation.

Bigyan natin ng respeto na ayon sa gusto ng Japan Foundation, pero simula ngayon at sa mga susunod na events na gagawin nila huwag na sila suportahan.

Huwag na kayo pumunta sa mga event nila kasi wala na silang kuwenta.

Topics: Issue, music and arts, news and events |

3 Responses to “Huwag suportahan ang Japan Foundation.”

  1. concertking Says:
    November 17th, 2008 at 12:56 am

    grabe naman itong mga concert staff nito…. Dapat sinabi nila talaga prior to the event na bawal magdala.. sayang naman yung effort ng pagdala ng camera ng umatend sa concert na ito….

  2. Hadooken Says:
    November 17th, 2008 at 1:57 am

    Sa susunod kasi sa bahay ka na lang manood! Tigas ng ulo mo alam mo naman pala na bawal kumuha sige ka pa din! Natural estilo nila un kasi kung me sabihin nga naman nila na bawal ang kodakan eh di wala nang manood! Sa susunod ikaw magpaconcert at rules mo masusunod!

  3. Lhurey Says:
    November 17th, 2008 at 5:56 am

    grabeh nama to, hmmm bakit kay hindi pwede?

Comments