Search

User Menu

Tags

Recent Comments

Categories

Links


« questions you need to answer | Main | Huwag suportahan ang Japan Foundation. »

Funny Pinoy names

By A

Hello ulit.. sorry ngayon lang ulit ako nakapagsulat (busy sa madaming bagay) anyways. my new topic is about  Pinoy names, I think madami tayong nakakatuwang (or nakakapagtaka) na pangalan, may mga pangalan tayong inu ulit, andyan si Tin tin, Cha cha, Ton ton, Kring kring, Ren ren, Chin chin, Tom tom, Ning ning, Noy noy, Eng eng :) at iba pa.  Ewan ko nga kung paano nag start itong ganitong name (or nickname) eh. Meron ding pangalan na galing sa 3 Philippine Islands, si LuZViMinda. Eto nakakatuwa I know may mga kakilala kayo na nag pangalan is Baby, Baby Boy… naisip ko paano kaya pagtanda nila? ano kaya itatawag ng mga apo nila sa kanila? “Lola Baby?” “Lolo Baby Boy?” sagwa di ba? :) Meron ako kakilala classmate ko nung high school pangalan Jeniffer…. ano kakaiba dun? lalaki yun…. meron sobrang adik kay Piolo Pascual, so ayun yung mga magulang pinangalan sa anak Piolopascual hehehehe ano kaya reaction ng bata pag nagka isip na, Nabasa ko before sa isang column na nung kasikatan ni Marimar ang dami daw mga magulang pinangalan sa anak nila Marimar, Meron din namang magulang na nag based sa occasion ng kapanganakan ang pinagkukunan ng name like Valentina, Val, Love, Heart, pag Pinanganak ng Valentines Day, Jesus, Jesusa, Emmanuel, Emmanuelle naman pag pinanganak ng Christmas, Meron namang Imaginative like yung sikat na basketball player na si Olsen Racela is pinanganak ng All Saint’s day, tapos yung utol nya is Nash Racela kasi pinanganak ng National Heroes Day, yung isa pa nyang kapatid is Wally Racela kasi walang occassion :hehehe meron naman combination ng name ng mga magulang ang name ng anak nila, tapos nauso na din yung 2 combination names sa mga bata, kawawa naman siguro mga yun during Elementary days nila, kasi nga paano pag pinasulat sila ng name nila sa pad paper. Eto eksena :

Teacher: “Class, the lesson for today is writing… punuin nyo ng pangalan nyo ang pad paper”

Maria Margarita Alexandria Buenaventura: “Mam Lugi naman yata ako sa katabi ko”

Teacher: “At bakit naman?”

Maria Margarita Alexandria Buenaventura: “Ang haba kasi ng name ko tapos siya hindi”

Fe Sy: “Sisihin mo magulang  mo!”

:)

Syangapala, si Dingdong Dantes is voted this year’s 25 Sexiest Men of the World by E! Entertainment. Sayang hindi siya pwede sa Hollywood pag tatawanan siya dun unless baguhin niya screen name nya hehehe

I saved the best for last, yun nga lang hindi siya Pinoy, anyways, I always have a “ngiti” on my face everytime I’m seeing this, He’s a boy from Singapore and sa pagdating sa pangalan walang tatalo dito…

Eksena ulit:

Police: Hey Kid, I what is your name?

Kid: Batman

Police: What? Are you making fun of me? What is your name?

Kid: My name is Batman

Police: %$^&#$@)~! (inhale then exhales deeply) hmmmm What is your family name?

Kid: Suparman

Police: !*&@%#$!%@#&@*!!@!*^@*#  That’s it, follow me to the Police Station!

Kid: Im not kidding, here’s my ID

batman bin suparman

:)

Topics: Pinoy lifestyle |

One Response to “Funny Pinoy names”

  1. bartholomeuw simpson Says:
    September 20th, 2008 at 8:51 am

    OK YUN nasa search mong model hahahahahhaa