« Mga badjao bulilits sa manila.. | Main | para sa mga kalbo at nakakalbo »
sikret
By dee_s
Taga north ako and last year lang ako lumipat dito sa Manila. Isang weekend nung August 2007 naisipan namin ng ate ko maglunch somewhere in Alabang, Festi para mura mura. Nung nasa toll gate na kami ng Alabang galing SLEX may nakita akong tatlong naghahabulan (nakapwesto kami sa may pinakagilid na toll gate ung malapit sa mga parang squatters area dun kaya ako ang nakakita ng buong pangyayare). Bale ung isang mama hinahabol nya ung dalawang binata. Sabay nagpaputok ng baril ung mama, actually di xa nagpaputok kundi binabaril nya ung mga hinahabol nya. Ung isa nakatakas, ung isa naman napuruhan. Bumagsak xa at ang gago nung mama pinuntahan pa nya at binaril pa ng dalawang beses. Sa loob loob ko shet! Ganto ba talaga sa Manila?! Mukang pulis ung mama kasi naka white shirt sya tas ung pinambaril nyang kamay e nakabalot ng cloth, dunno why. Ang kakaiba dun, parang walang nangyare, tuloy tuloy lang mga sasakyan sa pagbabayad ng toll at ung mga tao dun sa squatters area nakatingin lang habang papalayo ung mama at pumasok sa may squatteran. Nakakaawa ung binaril. Pagkalagpas namin sa pinangyarihan napansin ko nalang na bigla ako nahilo at parang gusto ko na masuka sa mga nakita ko, di ako sanay makakita ng karahasan hehe. =)
Topics: Pinoy lifestyle |
July 13th, 2008 at 5:49 am
grabe maam kinabahan ako dun sa line mo yung
“napansin ko nalang na bigla ako nahilo at parang gusto ko na masuka sa mga nakita ko”
then akala ko bigla kang ginising ng Ate or Kuya mo then sabihin mong your just dreaming lang (”,)
August 12th, 2008 at 3:18 am
that is what you call ‘reality’.