« Mga KKLurkey Commercials - Hulaan mo | Main | Work for the Government »
takteng traffic enforcer
By dee_s
Miyerkules. Ang plaka ko ay XEA755. Coding un xempre diba. Pero 7am-7pm ay applicable lamang sa Makati, Pasay at of course Edsa. May field work ako sa Cavite ng Miyerkules ng alas dos pero napakatraffic sa SLEX lalo na ung approaching Alabang area. Taga Sucat ako kaya naisipan kong dumaan sa BF homes para lusot ako sa Alabang palabas ng SLEX. FYI, sa Alabang-Zapote ay may coding pero nali-lift ito ng 10am-3pm. Umalis ako ng pasado alas onse para lang makadaan ng Alabang nang sa bungad palang ng arko ng BF ay may pumara saking taga trapik(na para bang buwayang nag aabang ng manok na itatapon sa kanya!) So un tumabi ako at nag hazard. Sya: “Ma’am asan po lisensya nyo?” Ako: “bakit po Sir?” Sya: “coding po kasi kayo” Ako: (gulat) “huh? Sir, window diba po? 10-3?” Sya: “Ma’am may bago po kasi kaming policy na 7-7 na po ang coding, 2weeks ago lang naimplement” Ako: (sa mahinahong paraan) “Chief baka naman po pwedeng warning nalang nagmamadali po talaga ako at di po ako lagi napapadaan dito kaya di ko po alam na 7-7 na pala” Ako: (sa mahinahong paraan paren) “At wala naman pong nakapaskil man lang na 7-7 na pala kasi nga po di naman talaga ako malimit madaan dito” Sya: “Ma’am ano po titiketan ko na kayo?” Ako: (napansing may jeep at toyotang dumaan na coding din) “Sir, ba’t un (sabay turo sa mga ka-coding ko) coding din? Apat na po ang nakadaang coding ah” Ako: (nabbwisit na dahil parami ng parami ung mga nakacoding na dumadaan) “Sir please po warning nalang, tatawid lang po ako jan sa may ATC kasi pa-SLEX po ako” Sya: “cge, ibigay mo nalang sakin ung multa na 300, ako nalang kukuha sa casimiro para makaalis kana (ang ibig sabihin nito ay itatago na nya ang pera kong 300 para lang mapa alis na nya ko na parang walang nangyare)” Ako: (naimbyerna na!) “Tiketan nyo nalang ako Sir! Late nako! “……..Nag init ung tenga ko sa dami ng oras na sinayang nya, akala ko naman napaka buting traffic enforcer nagpapalagay lang pala! Lesson: ang katiwalian ay may good side at bad side. Ang good side ng katiwalian at palakasan ay nakuha ko ung lisensya ko agad dahil may kakilala ako sa LTO. In your face! =p
Topics: Pinoy lifestyle |
July 4th, 2008 at 6:07 am
Maam Dee_s,
Grabe kaawa awa naman sinapit mo nakikiramay ako sayo, normal yan dyan sa manila yung mga ganyang garapal. mabuti nlang meron kang kakilala sa LTO nakuha mo agad lisensya mo,tsk!2x dbale at least alam mna na 7-7 pla yung coding sa BF ingat nlang next time.
July 7th, 2008 at 4:55 pm
dodong kababasa ko ng post mong taiwanese beauties anlayo namang magaganda pinay dun anuh heheh