« Pedestrian Crossing | Main | P5000 for a haircut? »
My Quest for The Ultimate Noodles 4
By Impakto
Tuwing last day ng night shift namin, deretso kami ng kaibigan ko sa Quiapo para tumingin ng gadgets sa raon at iba pang sporting materials. At bago umuwi ay nakaugalian na naming mag stop over sa Ma Mon Luk.
One thing I really like about Ma Mon Luk’s special mami ay ang sabaw. Lasang lasa ang pork bones na parang pinakuluan ng mahigit pa sa 24 oras at natunaw na lahat ng goodies sa buto. Well alam kong “secret” ito ng Ma Mon Luk so guess ko lang ang lasa, and it really taste good. Nagkataon pa na umuulan kaya masarap higupin ang sabaw yummy.
Noodles or “Mami” nila ay fresh ang lasa at hitik na hitik ang laman ng chicken at pork. Then after eating one hot truly comforting Mami ay tatapusin ng isang makabasag ngiping na ice cold with yelo pa tubig. Ngilo sa sarap!
Final words:
Ma Mon Luk lives up to its reputation in serving one of the best tasting Mami here in our country. Masarap talaga! I give Ma Mon Luk 5 out of 5 stars!
Topics: Food, Places, pinoykritik |
August 21st, 2008 at 8:57 am
nakakagutom naman basahin ito sa umaga :D