« An FX taxi experience . . . . | Main | Michael Jackson Live at Bucharest … my random thoughts »
Gabi ng Lagim
By A
Hello again.. Eto na naman ako si A para sa isa na namang walang kwentang pananaw. :) Maiba naman tau ngayon, I always visit Pinoy forums and most na nakikita ko is about Supernatural/Ghost topics. You know (wow ala Paquiao!) Aswangs, Mananaggal, White Ladies, Maligno, Nuno sa Punso, Hula etcetera etcetera. Kesyo, meron daw ganito sa ganoong lugar, madami daw ganoon sa ganitong lugar. Ang sa akin lang is HINDI AKO NANINIWALA! Bakit kamo? AFAIK (as far as i know engot!) Inimbento lang ito ng mga Kastila panakot sa mga bata dahil siguro kahit noon madami na pasaway tapos nagsalin salin na kaya nag dagdag/bawas na ang istorya (alam nyo naman mga Pinoy natapilok lang yung tao pagkatapos ng ilang salin ng kwento ayun balita namatay na daw hehehehe) Pero syempre marami na naman mag rereact nyan kaya eto ang mga paliwanag ko.
REASONS WHY THERE’S NO ASWANGS etc.
1. Kung totoo ang mga Mangkukulam/Mambabarang or whatchamacallit na yan, dapat hindi na nasakop ng Hapon, Kastila at Amerikano ang mahal kong Pilipinas, bakit kamo? Dapat Kinulam na lang nila ang mga hinayupak na mga yun, biruin mo habang naglulusuban isa isang nagbabagsakan dahil sa sakit ng tiyan dahil sa pag sundot ng karayom sa manika or isa isang sumusuka ng ipis at ng kung ano ano pa dahil kay Aling Mambabarang or sa gabi pinalusob na lang natin mga aswang natin tuwang tuwa pa mga yun kasi imported na atay makakain nila (alam mo naman mga Pinoy mahilig sa imported) or pinadagit na lang sa mga mananaggal tapos pinahulog sa bangin.
2. Yung White Ladies, example, me ni rape at pinatay tapos yung “kaluluwa” niya is bibisita at magpapakita sa kamag anak or kapamilya nya… HELLO?????? bakit niya tinatakot relatives nya? dapat doon siya magpakita sa pumatay sa kanya, araw gabi nya gawin yun sa killer ewan ko lang kung di masiraan ng tuktok yun hehehe.
3. Alam niyo yung mga Nuno sa Punso? (ano ba English nito? dwarfs ba?) basta, kasabihan ng matatanda na magagalit ang mga iyon pag natapakan mo daw sila at palalakihin mga paa mo, or worst betlog mo (ouch!)…… HELLO ULIT???????? DI mo nga sila nakikita noh? bakit sila magagalit sa iyo? E sila pala ang engots e, sila nakakakita sa yo so sila dapat umilag. TAMA? :)
4. Last is yung hula (sama na natin to kasi medyo related sa topic, saka wala kayo magagawa article ko to hehehe) Ewan ko ba bakit may nagbabayad sa mga iyan (alam ko yung mga “sikat” malaki pa maningil) SUS! bakit kaya di na lang nila hulaan kung anong number mananalo sa LOTTO? or kahit yung winning number lang sa ending ng PBA ok na ko dun. Or bakit hindi nila sinabi na lulubog yung barko ng Sulpicio ang madami mamamatay? Sana pinilit nila yung Sulpicio lines management na huwag na magbyahe para naiwasan sana yung tragedy, or bakit ayaw niyo hulaan kung sino pumatay kay Ninoy? Bakit di nyo sinabi na pag si GMA mananalong presidente babagsak economy ng Pinas? (ooopppsss hehehe) or bakit di nyo mahulaan kung sino kumuha ng nawawalang Cellphone ko? (eto kahit huwag na, bulong niyo na lang sa akin yung mananalong LOTTO combinations hehehe)
So yun ang mga reasons ko, Personal opinion ko lang naman ito (I know medyo pilosopo) to each his own ika nga. Pero kung totoo man sila ………………
PLEASE! HUWAG KAYO MAGPAKITA SA AKIN!!!!!!!!!!!!!!!!!
Topics: Uncategorized |
June 26th, 2008 at 4:09 pm
Baka kaya hindi nakulam ang mga hapon, amerikano at kastila eh napakadami sigurong manika at karayom na gagamitin, in short kulang sa funding kaya di nila nagawa.
Pero a lot of mga paniniwala na ito are holding us back , kasi almost lahat ng Pilipino ay naniniwala sa hula at kung ano ano pang kasabihan w/c minsan nagiging sanhi ng di natin pagkilos ng buong potential tungo sa ating kaunlaran.
July 2nd, 2008 at 10:31 am
paano na yung may mga third eye?
August 12th, 2008 at 2:20 am
maganda at interesante ang opinyon mo, at opinyon mo ‘yan, wala akong magagawa.
at wala ka ring magagawa kung magbibigay rin ako ng opinyon ko, hehehe
naalala ko, kwento ng prof ko noon sa kas 1 sa unibersidad ng pilipinas, ang aswang daw ay nagsimula noong panahon ng giyera kung saan tinawag na mga aswang ang mga sundalong sumusugod tuwing gabi. at hindi ko na alam ang mga iba pang pangyayari dahil nakalimutan ko na ang mga iyon.
anyways, sa tingin ko, sinubukan rin naman ng mga mangkukulam noon na kulamin ang mga mananakop, kaya lang, sadyang hindi tumalab dahil sa hindi sila marunong umintindi ng tagalog, hehehe.
sa totoo lang, naniniwala ako sa mga ‘yan- aswang, mangkukulam, mga dwende, ispiritu, kahit pa UFO. kahit hindi pa ‘ko nakaka-experience first-hand, alam kong totoo ‘yun. may mga bagay lang talaga na mahirap ipaliwanag.
isa lang naman talaga ang hirap akong paniwalaan- ang tungkol sa manananggal. hindi ko lubos maisip kung paano nahahati ang katawan nila, kasama ang laman-loob at bituka. at kapag umatake sila at kumain ng tao, paano nila iyon makakain kung putol nga ang bituka nila?
hmmm…
kung ikaw ay isang mananaggal, o kung may kilala kang manananggal, o kung masasagot mo lang ang katanungan kong ito, lubos ko itong ikatutuwa. salamat.
August 12th, 2008 at 5:57 am
eh kasi bawal gamitin ang “foresight” para sa mga makasariling intensyon. baka mawala e! haha. tingnan mo si madam auring di niya na predict na lolokohin siya nung juwa niyang kulot, eh pag hinulaan naman siya masisira parin sila kasi naging selfish siya. presdestination theory. hehehe
August 12th, 2008 at 12:11 pm
cecilia…. sagutin ko tanong mo…kung totoo man sila hmmm ganito logic nyan, pwede sila kumain ng hati ang katawan nila bakit kamo?
eto: (salamat sa google)
Movement of Food Through the System
o Mouth: Seconds
o Esophagus: Seconds
o Stomach: Up to 3 1/2 hours
o Small Intestine: Minutes
o Large Intestine: Hours
ano ibig sabihin nito? pwede silang kumain kahit hati katawan nila kasi nga matagal naman ang process bago makarating sa intestine, meron silang 3 1/2 hours na “allowable” time para mag connect ulit sila sa lower part nila hehehe im sure 3 1/2 hours is enough na for them para makabalik kasi alam mo naman mangyayari pag inabot sila ng sunrise da ba?
A
P.S.
Di pa rin naniniwala si A sa manananggal.