« Charise Pempengco | Main | Hello? »
Pinoy Weekend Life sa Hsin-chu Taiwan
By ka ernie
Another weekend comes and usually when I’m not doing anything work related sa bahay ay usually I go to next city after Hu-kou that is Hsin-chu. From my house I ride taxi going to Sinfong train station for $NT70 sa mga kolurum na taxi, hehe akala nyo sa Pinas lang may kolorum dito din sa Taiwan may kolurum na taxi pero mas sossy since ang mga kotse dito ay ford, mazda at kung anu-anu pang de kalidad na kotse.
Anyway from Sinfong train station you have to pay $NT17 para makapunta ka sa Hsin-chu bale sinfong->Jubei->Hsinchu.
Mostly mag-wait ka ng 15 mins para dumating ung train papuntang Hsinchu and then another 15 mins. para makarating ka sa Hsin-chu train station. Maganda and matao and lugar na to, usually binubusog namin ang mga sarili namin sa mga naggagandahang chinese bebot dito, malayong-malayo ang Pinas pagdating sa daring manamit ng mga Taiwanese girls.
And then lakad-lakad window shopping and usually I ride the free bus paikot sa mga Malls and then usually I take my lunch sa SOGO department store wherein sa 12th floor ang food court and lately puro KFC lang naman ang kinakain namin, pero this weekend medyo nag-iba kami ng makakainan. Nag-try kami sa isang restaurant na ang name ay Tamago Ya, medyo may kamahalan ang pagkain kasi isang order ay usually $NT299. Ang napag-tripan kong kainin ay breaded pork with chilli samantalang ung friend ko ay almost same pero prawn naman. Medyo naalala ko ang atsara since the food I order ay merong atsara with maraming sili so it makes the food more interesting to my taste.
Window shopping and having lunch is the typical pasyal ng mga Pinoy dito sa Hsin-chu Taiwan. Mostly may area dito na puro electronics ang makikita mo pero next post ko na lang ikukwento un. Sa ngaun eto muna and then I make my way back home thru train again and taxi afterwards. I usually buy mga lulutuin kong ulam dito sa night market na to since sunday I usually make my laundry, cook my whole day food and do my work weekly report.
Syangapala salamat sa kasama ko sa bahay na si Dencio sa mga pictures, nakabili sya ng Nikon D80 na camera with VR Lens, next week ako bibili rin ng medyo mumurahin Nikon camera ung D40 since sabi kasi ni Dencio benta nya sa akin ung extra lens nya ng murang-murang halaga. So next post ko ay mga pictures ko na ang ilalagay ko. Watch out for it and hopefully may talent ako sa photography hehe.
Topics: Food, Libangang Pinoy, Restaurant |
May 27th, 2008 at 8:53 am
wow nice to read naman story of our kababayan na nasa ibang bansa…i love to go places, and sana ay marating ko din yan…and sana mag post pa kayo ng ibang experiences nyo pa… keep it up ka ernie, at mag-ingat po kayo dyan.
July 12th, 2008 at 10:35 pm
I’m glad I found your page. I was looking for more information about Taiwan. Hopefully makakuha kami ng visa namin. pray… pray… :)