« The Quest fot My Ultimate Noodles 2 | Main | Going Places »
My Quest For The Ultimate Noodles 3
By Impakto
Magadandang araw sa inyong lahat. Sa pagpapatuloy ng paghahanap ko ng ultimate noodles ko ako ay napadpad sa isang dako ng maynila na kung saan ay me kakaibang chinese restaurant malapit sa tangapan ng NBI sa may recto. Ang Te Se Bian Shi Dian.
Syempre pagkatapos kumuha ng NBI clearance ko nakita ang pwestong ito sa tapat mismo ng labasan ng NBI. At first we checked the menu kung anong ma i offer nila.Hmm I found my target. I check ko ang wanton noodles nila for 50 pesos only. Isa nga pong wanton noodles. As usual me tea pero self service dito.
Dumating na ang pinakhihintay ko. Flat ang noodles ng isang to at maliit pero madami ang wantons, thin lang ang sabaw at spring onions lang ang vegetable topping nya.
Ang noodles ay firm at aldente, if you break the noodles apart me makikita ka pang small slighty cooked part sa gitna. Ito malamang ang nagbibigay ng firmness nya. Hmmm fresh wheat noodles.
Very thin ang wrappings ng wanton at me hint ng chinese cooking wine ang meatballs. Ang sabaw ay medyo bland dahil nangingibabaw ang lasa ng noodles at wanton meatballs. Saka di masyadong mainit nung na iserve. Mas ok siguro kung mainit init ang sabaw.
Overall sa halagang 50 pesos ay masarap na ang wanton noodles nila. Ang nagpacompliment pa ay me order pa kaming steamed dumplings for 60 pesos ay 12pcs na. Well kasing lasa nya lang ang wantons na nasa noodles eh kung mabitin ka sa wantons eh ito ang mag fill up. I give this noodles 3.8 out of 5 stars for the price and for the taste.
Topics: Food, pinoykritik |