Search

User Menu

Tags

Recent Comments

Categories

Links


« Cheapest flight Pinoy can offer | Main | My Quest For The Ultimate Noodles 3 »

The Quest fot My Ultimate Noodles 2

By Impakto

Magandang araw sa inyo. Sa pagpapatuloy ng paghahanap ko ng masarap n noodles  ako ay napadpad sa megamall nung isang linggo dahil maglalaro kami ng bowling. After the game ay gutom na ako kaya deretso so food court.

Naalala ko ang laksa ng Pao-Tsin na recommended ng isang officemate ko. So I decided na i try! Ang inorder ko NK beef laksa. Di ko maalala ang actual na price kasi di ko nakuhanan ng pix ang resibo pero almost 80 pesos ang isang order. After a few minutes sa counter eto na ang order ko.

Sa unang tingin at amoy pa lang ang sabaw ang me gata (coconut milk). Kahit alam ko na me di magandang reaksyon ang gata sa aking tyan eh hindi ko matiiis ang mabangong amoy nito. Thick ang soup at lasang lasa ang bawang at caremelized onions na lumulutang sa sabaw. Me hint ng chili kaya me mild spiciness sa kanya.

Now it’s time to try the noodles! Medyo dissapointed ako sa noodles dahil hindi bagay sa lasa ng sabaw. Flat at bland ang lasa nya at me kakaibang lasa na kontra sa sabaw.

Me 3 pieces of NK beef daw or beef tendons at 2 pcs ng kanilang fried dumplings and 3 stalks ng chinese petchay so hitik sa laman ang isang to. Malambot ang 2 pcs ng NK beef ang isa ay makunat. Hindi overcooked ang petchay at crispy pa ang dumplings kahit na nababad na sa sabaw.

Ito yung makunat na isang NK Beef. Di ko nakain.

Final words. Good points ang contents at soup ng NK Beef Laksa ng Paotsin, sa noodles lang ako nabigo at sa isang pirasong NK beef. Kahit alam ko mamayang gabi eh aatakihin na ako sa tyan dahil sa me gata. I give this noodles 3.2 out of 5 stars.

Â

Topics: Food, pinoykritik |

Comments