« Ass sad news (NOT!) | Main | Cheapest flight Pinoy can offer »
My Quest for the Ultimate Noodles I
By Impakto
Mahilig po akong kumain ng noodles kaya naisipan kong hanapin ang pinakamasarap na “noodles” dito sa ating
bansa. Di naman ako expert na food critique pero masasabi ko na “I know when the food is good”. So without
further adieu, samahan nyo akong sa aking journey para sa pinakamasarap na noodles!
Sa isang dako ng General Trias Cavite, gabi, ay naisipan naming kumain sa King Bee, isang chinese restaurant sa may Mangahan. At syempre ang inorder ko eh “noodles” To be exact “wanton noodle soup” na nagkakahalaga ng 105php. Tipikal sa isang chinese restaurant na mag serve ng tea bago habang hinihintay ang order.
At sa wakas dumating na ang pinakahihintay ko!.
HMMMMM. Presentation wise ay para lang noodles ng Chowking ang isang ito. Mabango ang aroma ng sabaw at
maamoy na walang trace ng flavoring cubes! Medyo bigo lang ako sa gulay dahil kakapirangot na petsay lang ang nasa ibabaw.
Ang noodles ay firm at malinamnam, ang sabaw ay mainit at masarap higupin habang mainit pa. Ang wanton ay buo at intact pa ang covering at me hint ng shrimp flavor sa kanya. Overall, ok ang wanton noodles, pero parang nag eexpect pa ako ng mataas para sa presyo na 105php. Sana dinagdagan nila ng gulay like petsay baguio o dinamihan nila ang nagiisang petsay taiwan sa ibabaw. So ang rating ko ay mga 3.3 out of 5 star. Ito pa lang ang simula ng quest para sa masarap na noodles. Hanggang sa muli.
Topics: Food, pinoykritik |
June 26th, 2008 at 8:52 pm
sa tingin ko mukhang masarap ang noodles dyan pero na-try mo na ba ang pansit hab-hab ng lucena at ma-siang ng san pedro laguna. yung pansit na may ketchup at lamang-loob ng baboy at nakalagay sa yellow pages ang pang-balot nya. at pansit bikol yung may bagoong alamang ang kasama nya……..
at ang pinaka the best ay yung likod ng KING BEE sariwa ang mga seafoods dun at lalo na yung tahong at tilapiang malalaki! WTF kya tol try nyo rin dun malamang babalik ka talaga!
July 9th, 2008 at 10:26 am
kung noodles lang naman, e di sa ma mon luk ka na…
legendary na yun, eksakto pagkabili mo sa arlegui o raon o hidalgo, tawid ka lang quezon blvd, ayos na! tipid pa kasi puede ka sumabay ng shuttle… samahan mo ng siopao! solve!